“Pumanig ka sa mga piloto at empleyado ng PAL na naka-SOS, hindi kay Lucio Tan.”
Ito ang panawagan ng sentrong unyong Kilusang Mayo Uno kay Presidente Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III matapos “pagalitan” ng pangulo ang mga piloto ng Philippine Airlines na tumangging pumasok sa trabaho noong Sabado at ang PAL Management para sa “mga kaguluhan” sa operasyon ng kumpanya.
Ipinahiwatig din ni Presidente Aquino ang pagsasampa ng kaso laban sa mga piloto at sa PAL Management. Kasunod ito ng return-to-work order ng PAL Management sa mga piloto nito at sa pag-anunsyo nitong kakasuhan ang huli.
“Dapat itulak ni Presidente Noynoy ang PAL Management na tugunan ang mga ugat ng problema na nasa sigalot sa paggawa sa kumpanya. Hindi siya dapat magpatali sa umano’y kaguluhang idinulot sa turismo at ekonomiya ng nangyari. Kabuhayan ng mga empleyado ng PAL ang nakataya rito,” sabi ni Elmer “Bong” Labog, chairperson ng KMU.
Dapat tigilan din ni Presidente Noynoy ang mga satsat tungkol sa pagsasampa ng kaso. Para siyang sumusunod sa PAL Management niyan. Alam nating ang mga piloto, hindi ang PAL Management, ang talagang tatamaan kapag gumawa ng hakbanging ligal ang gobyerno,” dagdag niya.
Dalawahang trabaho
Ayon sa mga ulat, ang mga piloto ay pinwersang magtrabaho sa Air Philippines, na katulad ng PAL ay pag-aari ng business tycoon na si Lucio Tan, sa mas mababang sahod at nang kontraktwal ang katayuan.
“Sino namang magugustuhan ang magtrabaho sa kumpanyang ang trato sa iyo ay pag-aari? Na pinupwersa kang gawin ang mga bagay na labag sa kalooban mo, dahil ang tingin nito’y malaki ang pagkakautang mo? Nauunawaan namin ang mga piloto; nakikisimpatya kami sa kalagayan nila. Ang nangyaring kaguluhan sa PAL ay direktang resulta ng mga hakbangin ng PAL Management,” ani Labog.
Ayon sa KMU, isang “SOS” ang hakbanging ginawa ng mga piloto para makialam ang gobyerno hindi lang pabor sa mga piloto, kundi sa iba pang empleyado ng PAL. Noong Hunyo, sinabi ng Department of Labor and Employment, kaugnay ng mga usapin sa paggawa sa PAL, na isang management prerogative ang pagsasagawa ng outsourcing at spin-off. Hinudyatan nito samakatwid ang mga iskemang nagbabantang magtanggal sa trabaho sa 3,000 empleyado.
“Dapat makisangkot si Presidente Noynoy hindi lang para sa mga piloto kundi sa iba pang empleyado ng PAL. Ipinapakita ng kalagayan ng mga piloto ang sitwasyon ng iba pang empleyado ng PAL. Dahil sa plano ng manedsment na magpatupad ng outsourcing at spin-off ng mga operasyon, nangangamba sila para sa kanilang trabaho. Gusto silang palitan ng PAL Management ng mga kontraktwal at kaswal na mababa ang sahod at walang seguridad sa trabaho,” ani Labog.
KMU kay Noynoy: Pumanig sa PAL employees, hindi kay Lucio Tan
Peacetalks
- GPH undermines basic peace agreements, refuses to respect and comply with JASIG
- Compliance with JASIG and the Oslo Joint Statements is not a precondition but an obligation
- GPH Negotiating Panel Chairperson Padilla gives notice of no formal talks next month
- Closing statement on the GPH-NDFP formal peace talks in Oslo
- Peace panels hold preliminary informal meetings in Hong Kong
Human Rights
- Aquino violated every key labor right this year – KMU
- “Stop the killings, violence and intimidation in Pangarap Village!”
- PH election to UN rights council called an embarrassment
- CHR report on Melissa Roxas practically clears AFP in torture -- Bayan
- BAYAN condemns killing of local leader in Batangas
Workers
- Workers to keep watch on Corona impeachment trial
- Protesta mga magsasaka, sasalubungin ng mga manggagawa at mamamayan
- A day before Congress committee meeting Solons told: Stop Cha-cha
- [Sa pagtatapos ng Protestang Bayan] Lakas ng protesta vs. overpricing, di maikaila ng gobyerno
- We are part of the people’s protest on Sept. 19!
Peasants
- Vested interests taint Aquino’s Candidacy ABSTENTION FROM CARPER VOTE IN ’09 REVEALS REAL AGENDA
- Farmers, youth to Noynoy: Expect more protests for Hacienda Luisita Issue
- Noynoy should take responsibility and rectify the failure of the Corazon Aquino administration to implement genuine agrarian reform – Satur
- NORMIN FARMERS JOINS HACIENDA LUISITA STRUGGLE, URGES NOYNOY TO JUNK MEMO
- Land reform, justice for rights victims key to resolving Luisita conflict
Youth & Students
- UP student councils tag Noynoy as Arroyo’s heir
- KABATAAN Partylist remembers Beng Hernandez, writer martyr
- KABATAAN Partylist STORMS COMELEC: DEMANDS RESUMPTION OF VOTER’S REGISTRATION
- UP Students Dance Against Cha-Cha
- Christian Students Dismayed Over Dismissal of Petition for Writ of "Landmark Cases"
Women& Children
- Workers to keep watch on Corona impeachment trial
- Protesta mga magsasaka, sasalubungin ng mga manggagawa at mamamayan
- A day before Congress committee meeting Solons told: Stop Cha-cha
- [Sa pagtatapos ng Protestang Bayan] Lakas ng protesta vs. overpricing, di maikaila ng gobyerno
- We are part of the people’s protest on Sept. 19!
Imperialism
- No to extension and expansion of US military operations in PH!
- US military buildup is biggest threat to regional peace – Bayan
- End imperialist plunder, repression and war! Defend Philippine sovereignty and patrimony against the onslaught of imperialism!
- Bayan holds rally to mark 20th anniversary of bases treaty rejection
- US won’t pull out troops in PH despite so-called “gains” vs terror





