Kilusan.Net

E-mail Print PDF

“Stop the killings, violence and intimidation in Pangarap Village!”

Justice for Sol Gomez  and Rommel Fortades!

Kami, mga kapamilya nina Soliman Gomez at Rommel Fortades- mga martir ng Pangarap Village, ay nanawagagan para sa pagtigil ng pagpaslang, karahasan at pananakot sa Pangarap Village, District 1, Caloocan City. Kinukundena rin naming ang pagpaslang sa aming mga mahal sa buhay at pamamaril sa iba pa naming karesidente ng mga security guards ng Carmel Development Inc. ( CDI ). Nitong Hulyo 23, 2011, ay pinaslang ang aming mga mahal sa buhay ng mga security guards ng Carmel Development Inc. ( CDI ) na pagmamay-ari ni Greggy Araneta. Sina Soliman Gomez at Rommel Fortades ay agad binawi ng buhay mula sa tama ng baril mula sa M-16 riffle (batay sa awtomsiya)at nakapinsala din sa 4 pa naming mga ka-residente sa Pangarap Village.

Dinanas  at dinemolis ng mga security guards ang mapayapang  vigil mga driver ng Pangarap Village TODA at mga resident ng Pangarap Village ng umaga pa lang ng araw na ito. Lango sa alak at lasing pa nga ang ilan sa mga guards habang dinedemolis nila ang mapayapang vigil. Gayun din, sinira pa nila ang ilang tindahan sa gilid ng vigil.

Ang Pangarap Village ay mayroong 156 na ektarya at tinitirhan ng halos 40,000 residente. Ang lupang kinatitirikan ng aming komunidad ay pilit na kinakamkam sa amin ng CDI na pagmamay-ari  ni Greggy Araneta. Ginagawa nila ang lahat ng paraan, kahit pa makapatay upang kami ay mapalayas sa lupang matagal na naming tinitirhan.

Nito lamang Abril ay pinagbabaril din ng mga security guards ang mapayapang vigil ng ilan naming ka-residente na tumututol sa demolisyon. 3 sa aming mga ka-residente  ang tinamaan ng bala, at isa sa mga ito ay minor. Kahit nitong Hulyo 20 ay sinunog at pinakukuha ng mga security guards ang paninda ng ka-residente naming  sa bungad ng Araneta Ave.

Nananawagan din kami para sa hustisya sa aming mga mahal sa buhay. Hanggang sa kasalukuyan ay at-large pa rin ang marami sa mga security guards na namaril nung araw ng Hulyo 23, 2011.

Umaapela din ng tulong sa aming mga public officials na tiyakin ang kaligtasan at kaayusan sa aming komunidad. Nananatili pa rin ang mga security guards sa aming komunidad at patuloy na nananakot sa mga resident e ng Pangarap Village, lalo na sa aming mga naulila sina Sol at Mel.

from: www.bayanmuna.net

Follow us on Twitter